Tuesday, August 14, 2012

TAWA ka NAMAN (from my Multiply)

Posted on Jun 04,2009

REPORTER: Sir, kung wala po kayong evidence,
witness or suspect ano na po ang next step ninyo??
Police: DNA na...
REPORTER: sir, ano po yung DNA ???
Police: "Di Namin Alam "

Man1: Away kami ni misis, nag-Historical siya
Man2: Pare baka ang ibig mo sabihin ay nag-Hysterical
Man1: Hinde, historical kasi inungkat lahat ng
kasalanan ko!"

"Naglalakad ang mag-ama, nakakita ng eroplano
ANAK: Tay ! Krus! Ang laking krus!
TATAY(Binatukan ang anak): Nakita mo nang krus eh!
Lumuhod tayo!"


Employee: boss pwede ba ako nalang ang papalit dun
pwesto sa manager natin na kamamatay lang?
Boss: ok lang sa akin na ikaw ang pumalit sa kanya,
ewan
ko lang kung papayag ang punerarya.


Boy: Nay! Muntik na ako maging top one sa klase!
Nanay: Bat mo naman nasabi?
Boy: Ini-announce kasi kanina yung top one sa klase.
Ang tinuro ni ma'am yung katabi ko. Muntik na ako!


Bush visited the Philippines and Erap acted as his
translator:
Bush: "Lets help one another..."
Erap: "Tayo'y magtulungan. .."
Bush: "...let's strive together..."
Erap: "...tayo'y magsikap..."
Bush: "...because in union there is strength."
Erap: "...dahil sa sibuyas may titigas!"


Bongbong -- Pare sinong idol mo?
Chavit-- Si Arnold Schwarzenegger.
Bongbong-- Sige nga, spell Schwarzenegger.
Chavit --Hindi, joke lang pare, si Jet Li talaga idol
ko.


Erap writing on a slum book:
Favorite Actor:
Arnold Scharzene... ... (erase)
Arnold Schwarze... ... (erase)
Arnold Schwarzz... .... (erase)
Arnold Shwazenne... . ..(erase)
Arnold Shwazenner.. . ..(erase)
Arnold Shwarzenneg. . ..(erase)
Arnold Schchwarzenne. .. (erase)
Arnold Clavio


Pare 1: Pre, nasusuka ako kaya lang di ako masuka
Pare 2: Madali lang yan, pre ~ sundutin mo tonsils mo
(Pare 1 sinundot ang tonsils ..)
Pare 1: Di pa rin e
Pare 2: Hmmmmm ... sundutin mo pwet mo
(Pare 1 sinundot ang pwet ....)
Pare 1: Wala pa rin
Pare 2: Ngayon, tsaka mo ule isundot sa bibig mo ...
pag hindi ka pa masuka nyan ewan ko na!


Holduper: Pili ka, wallet mo o pasabugin utak mo?
Biktima: Ikaw na bahala..basta pareho po yan walang
laman!


Pare1: Pare, ba't naman hanggang ngayon wala ka pang
syota? wala ka pa bang napupusuan?
Pare2: Meron.. Manhid ka lang! (hihihihi! )


Sa isang mumurahing airline:
Stewardess: Sir, would you like some dinner?
Passenger: Ano ba ang mga choices?
Stewardess: Yes or No lang po


ANG NAKARAAN....
May ibinulong ang daga sa elepante. Biglang hinimatay
ang elepante. Ano ang ibinulong ng daga?
DAGA: Buntis ako, ikaw ang ama!

SA PAGPAPATULOY. ....
Dahil di makapaniwala ang elepante, dinala nya ang
daga
sa doctor. Tuwang-tuwa ang elepante at masayang
ibinulong
sa daga ang resulta
ELEPANTE: Ako nga ang ama, at elepante ang anak natin,

at kambal sila! )


TEACHER: Anong similarity nina Jose Rizal, Andres
Bonifacio, Ninoy Aquino at Apolinario Mabini?
STUDENT: Ma'am, pagkaka-alam ko po, silang lahat ay
pinanganak ng holiday! ?


TITSER: Juan, use recharge & caffeine in a sentence.
JUAN: Si "Recharge" Gutierrez ay si "Caffeine"
Barbell. ?


ERAP: Soli ko tong nabili kong DVD.
FPJ: Anong problema?
ERAP: Walang picture, tsaka sound. Sayang. Suspense
thriller pa yata to. Tsk, tsk...
FPJ: Anong title?
ERAP: "The Lens Cleaner"


BUNSO: Tay , may multo daw sa kusina natin?
TATAY: Anak, sino naman nagsabi sayo nyan?
BUNSO: Si ate po!
TATAY: Ay nako, wag ka nga magpapaniwala dun! Wala
namang multo eh! Ang mabuti pa samahan mo na lang ako
sa kusina, at iinom lang ako ng tubig...


BATA: Pabili nga po ng ubas....
TINDERO: Wala kame ubas
KINABUKASAN
BATA: Pabili nga po ng ubas.....
TINDERO: Wala kame ubas
KINABUKASAN ULIT
BATA: Mama, pabili nga po ng ubas....
TINDERO: Sinabi na ngang wala e! Pag nagtanong ka pa,
iistepler ko na yang bibig mo!
AT KINABUKASAN NA NAMAN ULIT
BATA: Mama, may stapler kayo?
TINDERO: Wala..
BATA: Pabili nga po ng ubas


PROMDI: Lam ko promdi lang ako kaya wag mo kong
lolokohin. Bakit ganito ang kwarto ko?!?! Maliit,
wala
pang kama at bintana..... ha?!?!
ROOMBOY: Sir, nasa elevator pa lang po tayo...


MRS: Bakit ngayon ka lang?
MR: Pasensha na, nagyaya mga officemates ko,
nagkainuman lang. Hehe! Hik,
MRS: Lasing ka no?
MR: Ako, lashing? Hindi! Hik
MRS: Anong hindi?! La ka namang trabaho, pano ka
nagka-officemates?


Jun-Jun: Inay! Ako lang ang nakasagot sa tanong ng
titser namin kanina!
Inay: Very good! Ano ba ang tanong ng titser ninyo?
Jun-Jun: "Sino ang walang assignment?"


Titser: Ano ang hugis ng mundo?
Juan: Kuwadrado po, maam!
Titser: Hindi! Ang mundo ay bilog.
Juan: Pero maam, sabi ng lolo ko, narating na niya ang

APAT na sulok ng mundo. May sulok po ba ang bilog?


Thelma: Sabi mo, dok, safe ang calendar method. Eh,
bakit ako nabuntis?
Dok: Paano nyo ba ginamit ang kalendaryo?
Thelma: Ginawa naming banig.


Boss asks sexy secretary to a dinner after overtime:
Are you free tonight?
The sexy secretary replies: Sir, ha... huwag naman,
FREE... Bibigyan na lang kita ng discount!


Girl: Maganda ba ko?
Boy: Oo, kaya lang, Bumbayin ka...
Girl: Hindi naman ako mukhang Bumbay, ah?! Tisay yata
to!
Boy: Oo nga, pero 'yung amoy mo, Bumbayin!


Gumimik sa mall ang tatlong binatilyo...
Jepoy: SYET! Ang cute nung girl!
Kevin: Sexy pa! Grabe!
Nathan: Sino? Yung naka-mini skirt, na red? Yun, yun
ba, ha? Kilala ko siya! Teka tatawagin ko ha,
kuyaaahhh Ambet!


Eliseo: Sobra na talaga ang katangahan ng kumare mo.
Ang akala niya, ang LAWSUIT ay uniporme ng pulis!
JoshuA: Sus! Tanga nga! Eh di ba, uniporme ng abugado
yun?!


Host: Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?
Tanda: Pwede ho bang manawagan?
Host: Ilang taon na po kayo?
Tanda: 98 y/o na po ako.
Host: Wow! Ang tanda nyo na pala! O, sige po...
manawagan na kayo.
Tanda: Itay, umuwi na kayo! Hindi na nagagalit si Lolo
sa inyo!

No comments:

Post a Comment